ThatQuiz Test Library Take this test now
2nd Quarter Exam ESP Doguitom Grade 8
Contributed by: Doguitom
  • 1. Ano ang ibig sabihin ng “kapwa”?
A) Kapantay o kaparehong tao
B) Hayop na alaga
C) Bagay na gamit araw-araw
D) Sarili lamang
  • 2. Bakit mahalagang pahalagahan ang ating kapwa?
A) Dahil masaya ito gawin minsan
B) Dahil may gantimpala
C) Dahil bahagi sila ng ating buhay at lipunan
D) Dahil utos ng guro
  • 3. Anong ugali ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa?
A) Panlalamang
B) Pananakit
C) Pagsisinungaling
D) Pagtutulungan
  • 4. Ang pagbibigay-galang sa matatanda ay halimbawa ng:
A) Katapatan
B) Pagpapahalaga sa kapwa
C) Pagmamalasakit
D) Katamaran
  • 5. Kung ang isang kaklase mo ay nahulog ang kanyang gamit, ano ang nararapat gawin?
A) Tawanan siya
B) Pagsabihan ng mali
C) Pabayaan lang
D) Pulutin at ibalik sa kanya
  • 6. Ano ang mas mainam na paraan ng pagpapakita ng respeto?
A) Pagtatawanan ang pagkakamali
B) Pagmamano o pagbati ng magalang
C) Pagtalikod habang may nagsasalita
D) Pagsigaw sa kausap
  • 7. Anong ugali ang dapat pairalin upang maging maayos ang samahan ng mag-aaral?
A) Pagtatangi
B) Panlilibak
C) Pagkakaisa
D) Ingitan
  • 8. Ang pagiging tapat sa pakikipagkaibigan ay tanda ng:
A) Pagpapahalaga sa sarili
B) Pagpapahalaga sa kapwa
C) Pagiging mapanghusga
D) Pagiging masayahin
  • 9. Kapag may nangangailangan ng tulong, nararapat na:
A) Magkunwaring hindi nakita
B) Alalayan kung kaya
C) Balewalain
D) Tawanan na lang
  • 10. Paano mo maipapakita ang malasakit sa kapwa?
A) Pagtulong sa oras ng pangangailangan
B) Pagpuna sa kanilang kahinaan
C) Pagtawa sa kanilang problema
D) Panlalamang upang ikaw ang makinaba
  • 11. Ang pagbabahagi ng pagkain sa kapatid ay tanda ng:
A) Pagiging tamad
B) Pagpapahalaga at pagmamalasakit
C) Sakim na ugali
D) Pagiging makasarili
  • 12. Ano ang kabaligtaran ng pagpapahalaga sa kapwa?
A) Pagwawalang-bahala
B) Pagmamalasakit
C) Paggalang
D) pagmamahal
  • 13. Ang pagtulong nang walang kapalit ay tinatawag na:
A) Katapatan
B) Pagpapatawa
C) Pagmamalasakit
D) Pagtitipid
  • 14. Ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo ay halimbawa ng:
A) Pagkakawanggawa
B) Pag-iwas
C) Pagmamalaki
D) Panlilibak
  • 15. Ano ang wastong gawin kung may kaibigan kang may problema?
A) Ikalat ang kanyang sikreto
B) Tawanan siya
C) Pabayaan siya
D) Pakinggan at damayan
  • 16. Anong salita ang pinakamalapit sa “pagpapahalaga sa kapwa”?
A) Pagmamataas
B) Pagmamalasakit
C) Pagwawalang-bahala
D) Pag-iisa
  • 17. Paano maipapakita ang respeto sa opinyon ng iba?
A) Pilitin silang sumunod sa iyo
B) Tawanan at maliitin
C) Ipagwalang-bahala
D) Pakinggan at igalang kahit di ka sang-ayon
  • 18. 18. Kung may kaklase kang nahihirapan sa aralin, ano ang dapat gawin?
A) Iwasan siya
B) Tawanan siya
C) Tulungan at turuan siya
D) Ipagmalaki na ikaw ay magaling
  • 19. Ang pagsunod sa alituntunin ng paaralan ay tanda ng:
A) Pagwawalang-bahala
B) Paggalang at pagpapahalaga
C) Pagiging tamad
D) Pagiging sakim
  • 20. Bakit mahalaga ang pagpapahalaga sa kapwa?
A) Nagdudulot ito ng pagkakaisa at magandang samahan
B) Para makakuha ng kapalit
C) Upang magkaroon ng parangal
D) Dahil ito ay utos lamang ng guro
  • 21. Ano ang pinakamahalagang batayan ng tunay na pagkakaibigan?
A) Parehong interes
B) Magandang itsura
C) Katapatan at tiwala
D) Kayamanan
  • 22. Bakit mahalaga ang komunikasyon sa pagkakaibigan?
A) Para mapatatag ang ugnayan
B) Para makapagbiruan araw-araw
C) Para laging magkasama
D) Para malaman ang sekreto ng isa’t isa
  • 23. Kung ang kaibigan mo ay nagkamali, ano ang pinakamahusay mong gawin?
A) Sumbong sa iba
B) Iwasan siya
C) Kalimutan ang nangyari
D) Kaibiganin pa rin ngunit patnubayan
  • 24. Ang tunay na kaibigan ay nakikilala sa panahon ng ____.
A) Kapistahan
B) Pagsubok
C) Tagumpay
D) Kasiyahan
  • 25. Bakit hindi dapat basehan ng pagkakaibigan ang panlabas na anyo?
A) Dahil madaling magbago ang hitsura
B) Dahil mahirap makakita ng maganda
C) Dahil mahalaga ang panloob na ugali
D) Dahil mas sikat ang mabait
  • 26. Nakita mong niloloko ng kaklase mo ang iyong matalik na kaibigan. Ano ang dapat mong gawin?
A) Magkunwaring walang nakita
B) Sabihin sa kaibigan mo at tulungan siya
C) Umalis na lang
D) Makisama sa nanloloko
  • 27. Kung hindi ka sang-ayon sa desisyon ng iyong kaibigan, ano ang pinakamahusay na paraan ng pagharap?
    A.
    B.
    C.
    D.
A) Magalit kaagad
B) Hindi kausapin
C) Ipahayag ang iyong saloobin ng maayos
D) Iwasan siya habang buhay
  • 28. Paano mo mapapanatili ang matibay na pagkakaibigan kahit may hindi pagkakaunawaan?
    A.
    B.
    C.
    D.
A) Maghanap ng bagong kaibigan
B) Magtanim ng sama ng loob
C) Magpalamig muna at mag-usap
D) Mag-away nang harapan
  • 29. Ang kaibigan mo ay nangutang pero hindi pa nababayaran. Ano ang pinaka-matinong hakbang?
    A.
    B.
    C.
    D.
A) Huwag kausapin
B) Kaunting paalala sa maayos na paraan
C) Siraan siya
D) Kalimutan na lang
  • 30. Sa isang grupo, paano mo maipapakita ang pagiging mabuting kaibigan?
    A.
    B.
    C.
    D.
A) Magmataas sa kanila
B) Magpaalala palagi ng mali nila
C) Laging ikaw ang masusunod
D) Makinig at igalang ang opinyon ng iba
  • 31. Kung ang kaibigan ay palaging nandiyan sa oras ng saya ngunit nawawala sa oras ng problema, ito ay _____.
A) Tunay na kaibigan
B) Mabuting tagapakinig
C) Kaibigang peke
D) Kaibigang tapat
  • 32. Alin sa mga sitwasyong ito ang nagpapakita ng tunay na pagkakaibigan?
A) Nagpapakita lang kapag kailangan
B) Magkasama lang sa kasiyahan
C) Nagbibigay ng payo kahit hindi kaaya-aya
D) Nagbubulungan laban sa isa
  • 33. Ang isang matalinong kaibigan ay _____.
A) Laging masaya
B) Sumusunod sa gusto mo
C) Palaging nagbibiruan
D) Marunong magsabi ng totoo sa mabuting paraan
  • 34. Kung ang kaibigan mo ay napapasama sa bisyo, ano ang pinakamainam na gawin?
A) Kausapin nang maayos at hikayatin sa mabuting paraan
B) Sumama na rin
C) Sabihan ng masama
D) Iwasan na lang siya
  • 35. Bakit mahalaga ang respeto sa pagkakaibigan?
A) Para mapanatili ang tiwala at pagkakaunawaan
B) Para hindi mag-away
C) Para maging sikat
D) Upang masabing magkaibigan kayo
  • 36. Paano makakatulong ang pagkakaibigan sa paghubog ng pagkatao ng isang tao?
A) Matutong magtiwala at magmahal
B) Mas maging mapagmataas
C) Matutong manghusga
D) Masanay makipag-away
  • 37. Kung walang pagkakaibigan sa paaralan, ano ang maaaring mangyari?
A) Mas magiging masaya
B) Magiging tahimik ang lahat
C) Bababa ang kooperasyon at tiwala
D) Lahat ay magiging magkaaway
  • 38. Bakit hindi dapat isuko agad ang pagkakaibigan kapag may problema?
A) Dahil sinusubok nito ang katatagan ng samahan
B) Dahil madaling maayos ang lahat
C) Dahil walang ibang kaibigan
D) Dahil uso ang patawaran
  • 39. Ano ang pangunahing pagkakaiba ng tunay na kaibigan at kakilala lang?
A) Ang kakilala ay mas masaya kasama
B) Ang tunay na kaibigan ay nandiyan sa hirap at ginhawa
C) Ang tunay na kaibigan ay laging nagbibigay ng regalo
D) Ang kakilala ay hindi mo ka-close
  • 40. Ano ang dapat mong piliin kung may salungatan sa pagitan ng tama at ng kagustuhan ng kaibigan mo?
A) Sundin ang kaibigan para hindi magtampo
B) Sumama na lang sa mali
C) Sundin ang tama kahit masaktan siya
D) Iwasan ang usapan
  • 41. Si Liza ay palaging nandiyan sa tuwing may problema ang kanyang kaibigan. Ano ang ipinapakita niya?
A) Panlalamig
B) Katapatan at malasakit
C) Pagmamataas
D) Pagpapanggap
  • 42. Si Marco ay palaging nang-aasar sa kanyang kaibigan kapag may pagkakamali ito. Ano ang hindi niya naipapakita?
A) Paggalang
B) Kabaitan
C) Katapangan
D) Katapatan
  • 43. Ang kaibigan mong matagal mong hindi nakausap ay lumapit sa’yo para humingi ng tawad. Ano ang mabuting gawin?
A) Umiwas
B) Isumbat ang nakaraan
C) Hindi pansinin
D) Pakinggan at patawarin kung taos-puso
  • 44. Si Ana ay tumulong sa kaklase niyang hindi niya ka-close. Ano ang ipinapakita nito?
A) Pakikisama lang
B) Pagpapanggap
C) Tunay na malasakit at kabutihan
D) Pag-utos ng iba
  • 45. Si Ben ay laging nagbabahagi ng pagkain sa kanyang mga kaibigan. Ano ang katangian niyang ipinapakita?
A) Pagmamalaki
B) Pagpapanggap
C) Pagiging sakim
D) Pagiging mapagbigay
  • 46. Ang pagkakaibigan ay hindi lamang tungkol sa saya kundi sa pagtutulungan. Bakit mahalaga ito?
A) Para hindi ka mabagot
B) Para may kasama ka lagi
C) Para maging sikat
D) Para lumalim ang samahan at tiwala
  • 47. Kapag may hindi pagkakaunawaan sa grupo ng magkakaibigan, ano ang pinaka-epektibong paraan upang maayos ito?
A) Mag-away muna
B) Maghiwalay agad
C) Mag-usap nang maayos at pakinggan ang isa’t isa
D) Magkasamaan ng loob
  • 48. Ano ang masasabing susi sa pangmatagalang pagkakaibigan?
A) Pagbibigay ng regalo
B) Laging pagkakasundo
C) Laging masaya
D) Paggalang at pagtitiwala
  • 49. Kung ikaw ay nasaktan ng kaibigan, ngunit humingi siya ng tawad nang taos-puso, ano ang pinakamainam?
A) Kalimutan na lang siya
B) Gantihan
C) Patawarin at pag-usapan nang maayos
D) Hindi na kausapin
  • 50. Ang pagkakaibigan ay isang uri ng ugnayang may _____.
    .
A) Tiwala, respeto, at katapatan
B) Pagkukunwari
C) Sekreto at inggitan
D) Panlilinlang
Students who took this test also took :

Created with That Quiz — the site for test creation and grading in math and other subjects.