ThatQuiz Test Library Take this test now
1st QuarterExam_Doguitom_ESP_GRADE 8
Contributed by: Doguitom
  • 1. Isang organisadong sistema ng ugnayan ng tao sa lipunan.
A) Ekonomiks
B) Rehiyon
C) Institusyon
D) Pamilya
  • 2. Ang maliit at pangunahing yunit ng lipunan
A) Ekonomiks
B) Pamilya
C) Pamilya
D) Institusyon
  • 3. Ang paniniwala ng isang tao at kanilang sinasamba ang kanilang pinaniniwalaang Diyos.
A) Institusyon
B) Relihiyon
C) Pamilya
D) Ekonomiks
  • 4. Ang kalipunan ng mga gawain ng tao, konstitusyon, pamayanan at institusyon na may kaugnayan sa paglikha, pamamahagi, palitan at pagkunsumo.
A) Rehiyon
B) Institusyon
C) Pamilya
D) Ekonomiya
  • 5. Ang sistema ng pag-iipon ng kaalaman tungkol sa iba’t-ibang bagay na inaasahang makakabuti sa pagkatao.
A) Buhay
B) Paaralan
C) Lipunan
D) Tatay
  • 6. Ang sitwasyon natin ngayon na humingi at dapat araw-araw tayong magpasalamat sa Panginoon sa bawat oras o minuto na tayo'y binigyan niya ng pagkakataong mabuhay ulit
A) Paaralan
B) Lipunan
C) Tatay
D) Buhay
  • 7. Isang grupo ng mga tao o mamamayan na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat indibidwal na binabahagi ang ibat-ibang kultura at mga institusyon
A) Tatay
B) Buhay
C) Lipunan
D) Paaralan
  • 8. Ang haligi ng tahanan na siyang pumuprotekta sa pamilya at ang gumagawa ng mabibigat na gawain
A) Tatay
B) Tahanan
C) Nanay
D) Paaralan
  • 9. Ang ilaw ng tahanan at laging gumagabay sa kaniyang mga anak.
A) Tatay
B) Nanay
C) Paaralan
D) Tahanan
  • 10. Nangangahulugan ng ipinatutupad na mga kautusan sa isang bayan o lugar na ang layunin ay para sa ikabubuti at ikatatahimik ng isang lugar o bayan.
A) Kasal
B) Batas
C) Nanay
D) Tatay
  • 11. Ang karapatan para sa ______________ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
A) pagkain at tahanan
B) Kalusugan
C) edukasyon
D) buhay
  • 12. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ito ay __________________.
A) Makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa
B) Pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo.
C) Susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang
D) Bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal.
  • 13. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang maliban sa:
A) Pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral
B) Pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon upang ang mga ito ay matagumpay na malampasan.
C) Malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito.
D) Pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensya at sa lahat ng mga taong ibinigay sa kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan
  • 14. Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang anak?
A) Sina Anita at Melduard na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap ng kalooban dahil malayo sila sa kanilang pamilya.
B) Si Mario at Andrea na namumuhay nang simple kasama ang mga anak, katuwang ng mga ito sa kanilang mga gawain, pangangailangan, at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang ginagalawan lalo na sa hinaharap.
C) Si Leonardo at Rose na nagpaplano at nagpapasiya para sa katiyakan ng magandang buhay para sa kanilang mga anak.
D) Sina Edith at Jojo na pinag-aaralan ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang matiyak ang magandang buhay para sa kanilang hinaharap
  • 15. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
A) Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata.
B) Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.
C) Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalaman kanilang makukuha sa paaralan
D) Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng karapatan ng magulang na sila ay turuan
  • 16. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?
A) Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan.
B) Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya.
C) Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba.
D) Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang mayroon siya.
  • 17. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng sumusunod na pagpapahalaga maliban sa:
A) Pagtanggap
B) Pagmamahal
C) Pagtitimpi
D) Katarungan
  • 18. Ang sumusunod ay makakatulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa:
A) Pagkakaroon ng ganap na kalayaan
B) Pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
C) Pagtitiwala
D) Patataglay ng karunungan
  • 19. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga gawaing ispiritwal maliban sa:
A) Iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya
B) Ituon ang pansin sa ganap na paunawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya.
C) Maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng pananampalataya
D) Ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya
  • 20. Sa paanong paraan magagawang possible ang pagsasakatuparan ng mga misyonng pamilya?
A) Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng pamilya.
B) Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan.
C) Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon at pagtulong ng mga ito upang ito ay maisakatuparan.
D) Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya.
  • 21. Ano ang isa sa pangunahing papel ng pamilya sa edukasyon ng bata?
A) Magturo ng mahahalagang aral sa buhay
B) Magturo ng disiplina sa labas ng tahanan
C) Magbigay ng pera araw-araw
D) Magpakilala ng maraming kaibigan
  • 22. Kapag tinuturuan ka ng iyong magulang kung paano gumawa ng tamang desisyon, anong papel ang ginagampanan nila?
A) Tagapagmasid
B) Tagapagtanggol
C) Kaibigan
D) Tagagabay
  • 23. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paghubog sa pananampalataya ng anak?
A) Pagpapaalala sa anak na mag-aral
B) Pagbibigay ng regalo kapag may okasyon
C) Pagsama sa anak sa pagsisimba tuwing Linggo
D) Pagsama sa anak sa panonood ng sine
  • 24. Ano ang dapat gawin ng bata upang makatulong sa paghubog ng kanyang pananampalataya?
A) Manood ng TV tuwing gabi
B) Umiwas sa pagdarasal
C) Sumama sa gawaing panrelihiyon ng pamilya
D) Makinig sa mga payo ng barkada
  • 25. Anong gawi ang nagpapakita ng paggabay sa pagpapasya?
A) Pinapaliwanag ang mabuti at masamang epekto ng pagpili
B) Pinipilit ang anak sa gusto ng magulang
C) Hinahayaan ang anak na laging sumunod sa barkada
D) Iniiwan ang anak na magdesisyon mag-isa
  • 26. Paano ipinapakita ng mga magulang ang pagbibigay ng edukasyon sa tahanan?
A) Pagsigaw kapag may maling nagawa
B) Pagpapabaya sa pag-aaral
C) Pagtuturo ng tamang asal at wastong kilos
D) Pagpapa-trabaho agad sa anak
  • 27. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng paghubog ng pananampalataya sa tahanan?
A) Panonood ng cartoons
B) Paglalaro tuwing gabi
C) Paggamit ng cellphone sa mesa
D) Pagdarasal bago kumain
  • 28. Bakit mahalaga ang paggabay ng pamilya sa mga desisyon ng anak?
A) Para hindi sila mangarap ng mataas
B) Upang maiwasan ang pagkakamali sa buhay
C) Para sila ay maging magulang agad
D) Para hindi sila magtanong sa iba
  • 29. Aling kilos ang HINDI nagpapakita ng pagtuturo ng tamang edukasyon sa tahanan?
A) Pagpapayo sa anak tungkol sa buhay
B) Pagpapabaya sa takdang-aralin
C) Pagbabasa ng aklat kasama ang magulang
D) Pagsagot ng module ng may tulong
  • 30. Ano ang maaaring maging epekto ng maayos na paggabay ng pamilya?
A) Pagiging mahiyain
B) Pagiging mapusok
C) Pagiging pala-asa
D) Pagiging mapagkumbaba at responsable
  • 31. Alin sa mga sumusunod ang magandang gawin ng isang anak bilang pasasalamat sa paggabay ng pamilya?
A) Sumunod sa utos ng magulang ng may respeto
B) Lumayo sa pamilya
C) Ipagwalang-bahala ang payo ng magulang
D) Magsinungaling upang mapasaya ang magulang
  • 32. Ano ang ibig sabihin ng pananampalataya?
A) Paniniwala at pagtitiwala sa Diyos
B) Pag-aaral ng agham
C) Pagsunod sa lahat ng kaibigan
D) Pagkakaroon ng maraming laruan
  • 33. Anong gawi sa tahanan ang nagtuturo ng disiplina?
A) Walang oras sa pagkain
B) Pag-alis nang walang paalam
C) Pagpuyat sa computer games
D) Pagkakaroon ng takdang oras sa pag-aaral at paglalaro
  • 34. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsuporta ng pamilya sa edukasyon?
A) Pagbili ng cellphone para maglaro
B) Paglalaan ng oras upang turuan ang anak
C) Pagbibigay ng mga bagay na walang kabuluhan
D) Pagpapabaya sa klase
  • 35. Anong gawi sa pamilya ang nagpapakita ng sama-samang pananampalataya?
A) Pag-iwas sa simbahan
B) Pagkakanya-kanya sa panonood ng TV
C) Pag-aaway habang kumakain
D) Pagdarasal tuwing gabi nang magkakasama
  • 36. Ano ang ibig sabihin ng komunikasyon sa loob ng pamilya?
A) Lihim na pakikipag-usap sa ibang tao
B) Panonood ng TV nang tahimik
C) Pagpapalitan ng kuro-kuro at damdamin sa pagitan ng mga kasapi ng pamilya
D) Pag-iwas sa mga usapin
  • 37. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng bukas na komunikasyon sa pamilya?
A) Nakikinig sa opinyon ng bawat isa
B) Laging may sigawan kapag may problema
C) Hindi nagsasalita ang mga anak sa hapag-kainan
D) Laging nag-aaway kapag may hindi pagkakaunawaan
  • 38. Anong uri ng komunikasyon ang umiiral kapag ang mga miyembro ng pamilya ay takot magsabi ng kanilang saloobin?
A) Walang komunikasyon
B) Masayang komunikasyon
C) Saradong komunikasyon
D) Bukas na komunikasyon
  • 39. Kapag ang ama ay laging sumisigaw at hindi nakikinig sa anak, anong uri ng komunikasyon ang ipinapakita?
A) Demokratiko
B) Masaya
C) Sarado
D) Bukas
  • 40. Alin sa mga sumusunod ang magandang epekto ng bukas na komunikasyon sa pamilya?
A) Nagiging malapit ang bawat isa
B) Lumalayo ang loob ng anak sa magulang
C) Laging may hindi pagkakaintindihan
D) Natatakot ang anak magsabi ng problema
  • 41. Alin sa mga sumusunod ang HINDI magandang gawi sa komunikasyon ng pamilya?
A) Pakikinig habang may nagsasalita
B) Pagpapahayag ng saloobin sa maayos na paraan
C) Pagtanong kung kamusta ang araw ng isa’t isa
D) Pagdadabog habang kausap ang magulang
  • 42. Anong komunikasyon ang umiiral kung lahat ng miyembro ng pamilya ay may karapatang magsalita at marinig?
A) Tahimik na komunikasyon
B) Bukas na komunikasyon
C) Saradong komunikasyon
D) Pormal na komunikasyon
  • 43. Sa isang palabas sa TV, ipinakita ang magulang na laging bukas sa pakikinig sa anak. Ano ang dapat mong puna rito?
A) Tahimik lang dapat ang magulang
B) Hindi marunong magdesisyon ang magulang
C) Mahina ang magulang
D) Magaling ang magulang dahil marunong makinig
  • 44. Kapag may problema sa pamilya, ano ang dapat gawin upang masolusyonan ito?
A) Mag-usap nang mahinahon at may respeto
B) Magtalo agad upang makuha ang gusto
C) Manahimik na lang
D) Iwasan ang pag-uusap
  • 45. Paano mo mapapansin na may bukas na komunikasyon sa isang pamilya?
A) Walang kibuan kahit magkakasama
B) Laging mainit ang ulo ng isa sa miyembro
C) Puro sigawan at sumbatan
D) May respeto sa pagsasalita at pakikinig
  • 46. Ano ang pangunahing tungkulin ng isang anak sa kanyang pamilya?
A) Magtrabaho kaagad pagkatapos ng paaralan
B) Mamuno sa komunidad
C) Sumunod at magpakita ng respeto sa magulang
D) Maglakbay sa ibang bansa
  • 47. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng responsibilidad sa lipunan?
A) Paglilinis ng sariling silid
B) Pagluluto ng pagkain sa bahay
C) Pag-aalaga sa kapatid
D) Pagtulong sa nangangailangan
  • 48. Kung may kapitbahay na nangangailangan ng tulong sa panahon ng sakuna, ano ang nararapat na gawin?
A) Magbigay ng tulong ayon sa kakayahan
B) Magkunwaring walang alam
C) Maghintay na lang ng tulong mula sa iba
D) Umalis upang umiwas sa abala
  • 49. Bakit mahalagang gampanan ang ating mga tungkulin sa lipunan?
A) Upang makilala ng ibang tao
B) Upang magkaroon ng mas mataas na sahod
C) Upang hindi mapagalitan
D) Upang mapanatili ang kaayusan at pagkakaisa
  • 50. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng malasakit sa kapwa?
A) Pagpapabaya sa tungkulin sa barangay
B) Pag-iwas sa mga taong hindi kilala
C) Pagtulong sa may kapansanan na makatawid sa kalsada
D) Pag-aalaga lamang sa sariling interes
Students who took this test also took :

Created with That Quiz — the math test generation site with resources for other subject areas.